Friday, March 6, 2015

YAM HAS FEELING OF SELF-PITY


Pagdating ko sa bahay, dinatnan ko ang aming anak na si Yam na nasa harap ng desktop at nagba-browse ng mga paborito niyang video clips. Medyo mainit kaya sabi ko, "Anak, why you didn't turn on the aircon, the room temperature is hot." He didn't respond but he turned on the aircon then back to the front of our computer.


After I have changed my clothes, humiga ako upang magpahinga ng kaunti bago ako gumawa ng mga gawain para sa eskuwelahan. Habang ako ay nakahiga, ginamit ko ang ipad ko and was trying to download some music video for our Special Education Corner Group then until such time na ma search ko sa 'youtube' ang "The Wind Beneath My Wings." I listened for a while at nasabi ko na; "Naalaala ko ang Sped sa New Era University..." Nagulat na lang ako dahil biglang tumayo si Yam, sabay dampot sa mga hinubad kong accessories at ibinato sa akin. That was the very first time na ginawa niya yun kaya talagang nagulat ako. Tumayo ako and asked him, (Eto ang buong pangyayari at naging usapan namin):

Me: What's the matter with you? Why did you do that to me?" (tanong ko sa kanya in a loud voice and I really wasn't able to hold my temper at napaiyak na akong tuluyan dahil nakita ko ang galit sa mukha nya at tila gustong lumaban sa akin. Noong makita niya na tumutulo ang luha ko... Eto ang lalong nagpaiyak sa akin...


Yam: (Humahagulgol ng iyak na nakayakap sa akin, naghalo na ang laway at luha niya sa balikat ko) I'm sorry, Mommy... I didn't mean to hurt you. Nasaktan kasi ako kasi narinig ko yun song na pinapakinggan mo.

Me: Bakit ka naman nasaktan eh music lang yun?!!!

Yam: Because we always sing that song there in Sped at New Era before but now dito na lang ako palagi sa bahay. Nasaktan ako Mommy! Nasaktan ako, Mommy! Nasaktan ako, Mommy!


Me: So, is that the reason why you threw to me those things? Sabay turo ko sa mga accessories na nakasabog sa sahig.)

Yam: I'm sorry, Mommy... I love you Mommy... Huwag kang magagalit sa akin, kawawa ako. Kawawa naman ako.

Me: Hindi ka kawawa, ginagawa mong kawawa ang sarili mo.
Yam: Kawawa ako kasi hindi ako nag- aaral. Dito lang ako,palagi sa bahay. I don't want to stay in the house everyday. I want to go to school!

Me: Di ba, you went to school (ACSAT), but your modular lesson has been finished already? Di ba, I told you that this coming school year, kung wala pa ring Tertiary Curriculum for Sped at New Era, we will enrol you at Saint Joseph's College or PUP?

Yam: Matagal pa yun, I like to go to school very soon! Kung pwede, bukas, Mommy please?!!! ( almost shouted)

Me: Hindi naman ganun kadali yun eh. Patapos na ang second semester, hindi ka na pwedeng mag enrol. Di ba we are planning to let you go back to ACSAT on the second week of this month? You just wait.

Yam: Ayoko dito sa bahay, ayoko na katulong ang kasama ko! Gusto ko classmates ko. I am not mad at you, Mommy! Galit ako kasi nasasaktan ako kasi ganito ako bata. Bakit kasi ako Sped Mommy?

Parang dinudurog ang puso ko... Gusto kong magpalahaw ng iyak dahil mas higit kong nararamdaman ang damdamin ng anak ko. Nauunawaan ko na kung bakit nagkaroon siya ng ganun behavior dahil sa hindi niya mai express ang gusto niya at maaaring sinasarili sa araw-araw ang lungkot at eagerness na makabalik sa school. 



At ang pag-iisip niya na siya ay 'special child' kaya marahil naaawa sa kanyang sarili. Siguro hindi lang niya maipaliwanag na kung hindi lamang sana siya sped ay baka masaya siya na kasama ang kanyang mga kaklase sa paaralan...

Ito marahil ang mga naging dahilan nang biglaan niyang pagta tantrums:

1. Nag-iisa siya sa bedroom at kaharap lang ang computer, TV at Xbox sa araw-araw.

2. Pagdating ko, gagawa na agad ako ng mga trabaho para sa school na pinagta trabahuhan ko at hindi na kami masyadong makapag bonding. Ganun din ang asawa ko, pagdating sa gabi.

3. Naaawa sa sarili dahil pakiramdam niya, siya ay nakakulong na lamang sa bahay lalo na kapag nakatatanaw ng mga school service sa balcony ng aming bahay.

4. Lalo pang nag-umigting ang kanyang pagkabagot at awa sa sarili noong marinig niya ang pinapakinggan kong "The Wind Beneath My Wings." Marahil ay nag flashback sa utak niya noong mga panahon na nasa New Era University pa siya.



Sobrang awa ko talaga sa anak ko... Sana ipinasok na lamang namin siya sa ibang school at hindi na kami naghintay pa college curriculum for Sped ng NEU... Inakala kasi namin na mabubuksan o maaapprove iyun noong second semester pero hindi pa rin.

Labing-dalawang taon sa NEU ang anak namin... Sanay na pumapasok sa eskuwelahan araw-araw. Pero dahil nakatapos na siya ng high school bigla nagbago ang mundo na kanyang iniikutan sa loob ng napakahabang panahon para sa kanya.


Sa ngayon ay kalamante na siya pero hindi ko alam kung malalim na ang sugat sa puso ng anak ko. Kasi kung dadamhin ko mukhang napakalalim na nga dahil ramdam ko ang sakit nito para sa kanya dahil ako ang kanyang ina. Karugtong ng buhay ko ang buhay niya.


Naramdaman ko na sa kabila ng kanyang pagta tantrums, kita at dama ko pa rin ang likas na pagiging mabait ni Yam... Yun tunay na pagmamahal niya sa amin na kanyang mga magulang lalo na sa akin dahil marahil dinala komsiya ng siyam na buwan sa aking sinapupunan.

Kung maaari lang ayaw ko nang maulit ito... Hindi ko na hahayaan na magkatoon nang lihim na dalahin sa dibdib ang anak ko. Lahat naman ng makabubuti para sa kanya ay lagi naming iniisip. Siya ang lagi naming prayoridad. Subalit nagkulang pa rin pala kami...


Para kay Yam, "I'm so sorry, anak." Next time, hindi na kita pababayaang magdamdam. We will do our best para maibigay ang lahat para sa iyo kesehodang magdildil tayo ng asin, anak.
Always bear in mind that your Dad and I love you so much.

Tuesday, November 11, 2014

THOSE DAYS ARE GONE




There's a pinch of pain in my heart while viewing my child's pictures when he's still studying at New Era University...



Those days are gone... 


Yesterday, he told me that he doesn't want to go back to Subic because he would just remember when he went there and spent precious times with his classmates and teachers. I looked at him and I felt exactly what he feels that very moment...


How I wish that the college curriculum for sped would be approved soon by the university officials... My son wishes to go back to NEU to study. He waits so patiently...

 
Please have a big heart!


Saturday, April 5, 2014

LUNGKOT, PAG-AALALA AT PAGTITIWALA




Sobrang nakaramdam ako ng pagkalungkot ngayon... Mabuti pa hindi ko na lang tinanggal lahat ng laman ng backpack ni Yam upang iligpit na sana dahil hindi na gagamitin ang mga ito... Tila pamamaalam na rin sa kanyang elementary and high school days na naging malaking bahagi ng buhay naming lahat lalo na ng aming anak. Bagama't papasok pa naman siya sa kolehiyo bilang panibagong yugto ng kanyang buhay, iba pa rin ang 'tender years' na nagdaan. Bumabalik sa aking alaala noong grader pa siya.



Nag-resign ako sa trabaho noo at nag full time ako sa kanya para lamang masubaybayan ko siya. Ang asawa ko ay nag-aabsent sa office para lamang mag attend ng mga activities ni Yam sa school. Maraming hirap at pagtitiis ngunit marami rin namang kasiyahan at kagalakan na kaakibat na talagang hindi ko na makakalimutan kailanman. Ayoko nang isipin… Tapos na ang labing-dalawang taong singkad.




Ngayon ay tinitingnan ko ang aking anak sa kanyang pagkakahiga sa kama… Naisip ko lang, ano kayang kapalaran ang naghihintay sa kanya? Panibagong pakikipagbaka sa kolehiyo na harinawang maging matagumpay na matapos niya ito. Ang mas higit ko lang ikinababahala ay ano kaya ang kanyang magiging buhay pagkatapos ng kolehiyo?


Alam kong hindi niya kayang sumabay sa agos ng buhay na mag-isa. Naisip ko, sana naging batang musmos na lamang ang aming anak habang buhay at nang sa gayon ang kanyang mundo ay umiikot na sa mga payak na bagay lamang. Ngunit anuman ang mangyari, hinding-hindi naming siya pababayaang mag-isa. Kung kailangang pati kami ay gumamit ng ‘sagwan’ o ‘boat paddle’ upang makasunod lamang siya sa agos ng buhay sa mundong ito ay aming gagawin. 


May Diyos na nakaagapay sa kanya at naniniwala ako na may nakalaang magandang bukas ang Ama para sa aming pinakamamahal na si Yam.


Friday, March 21, 2014

A CONVERSATION BETWEEN MOM & YAM



Ito ang naging usapan namin ni Yam noong isang gabi pagkatapos ng kanyang 'night prayer'...

MOM: Oh Yam. you are graduating na from high school ah... Which would you like to take up in college, Information Technology (IT) or Photography?

YAM: Eh, I would like to take up IT but I can't...

MOM: Why you can't?

YAM: Because I think, I am not capable enough to work in the office just like other people... Baka they will not accept me... Baka my boss will always get mad at me...

MOM: Awww... don't say that ah. Kasi you are intelligent and I believe in your ability. (Sinikap kong i-motivate siya dahil parang napapansin ko lumulungkot ang boses niya).

YAM: Yes, I'm intelligent but I am 'Sped'... Bakit kasi ako naging 'Sped', gusto kong magpaka normal kaya lang I was born special...

MOM: Oh eh you should be glad kasi 'special' ka, sila eh hindi. In the sight of GOD you are so special and it is not because you are 'Sped' ('Sped' is the term he usually used for 'special child') kasi you are a God fearing person... A very loving and an obedient child... Kaya nga your dad and I are very lucky to have you, anak.

YAM: Okay... Baka I'll take up na lang 'Photography' so that I can always take a picture of God's creations especially the SKY. Because beyond the SKY is HEAVEN. I might capture GOD's FACE up there. Do you think, I can capture GOD's FACE in the SKY?

I paused for a while... Para akong maiiyak! Sa napaka-inosenteng pag-iisip ng anak ko, naiisip pa niya ang ganitong mga bagay...

MOM: Ay, s'yempre ah because God is everywhere. Whenever and wherever you take a shot, you'll see God lalo na He is always with you because He loves you, don't you know that?

YAM: Yes, I know! I will take up 'Photography' na lang kasi GOD WILL BE MY OFFICEMATE.

MOM: Yes, He will be your officemate and boss as well. So nobody will get mad at you.

Dumaloy nang tuluyan ang luha sa aking pisngi. Dahil sa kabila ng 'kalagayan' ng anak ko... Pagtitiwala at pagsandal sa Diyos ang nasa kanyang puso. Lubos akong nagagalak dahil nagbunga ang aming pagtatanim at pagmumulat sa kanya noong siya ay maliit pa lamang na bata tungkol sa pag-ibig ng Diyos at ang magkaroon ng pananampalataya, takot at pagsunod sa Dakilang Lumikha.

Kahit 'special child' si Yam, mas nakahihigit pa siya sa ibang mga bata dahil bukod sa siya ay matalino at mabait, siya rin ay masunurin at mapagmahal sa kanyang mga magulang at kapwa. At higit sa lahat ay may pananampalataya at pag-ibig sa Panginoong Diyos.

We are so proud of you, Yam. We love you so much and we are very sure that God loves you more!

Friday, February 14, 2014

LOVING AND SWEET ANGELA



EKSENA SA SCHOOL GATE KANINANG UMAGA:

PUPIL: Teacher Mariel! Teacher Mariel! (Sumisigaw habang patakbong sumasalubong sa guro na pumapasok sa gate...)

TEACHER: O, Angela, anak baka madapa ka! (sabay yapos ng bata sa titser bago iaabot ang dalang hugis pusong 'stuff' na regalo nya para rito)...

TEACHER: Ano ito, anak?

PUPIL: I LOVE YOU, TEACHER MARIEL! (Marahil ay hindi niya masabi ang Happy Valentine's Day)...

TEACHER: Aw, I love you too, Angela!

Araw-araw tuwing umAga, ang batang si Angela ay walang ginawa kundi ang salubungin ako sa gate ng paaralan upang yumakap sa akin pagkatapos ay tatakbo nang palayo upang ipagpatuloy ang kanyang paglalaro...

Subali't kaninang umaga ay may nadagdag sa usual na 'scenario' naming dalawa. Yun bang dobleng kasayahan nya kanina upang iabot lamang sa akin ang kanyang munting regalo. At higit sa lahat ay ang sabihin nya ang tatlong katagang nagpapaikot sa buong mundo, ang salitang I LOVE YOU.

Maraming salamat, Angela! Sa kabila ng iyong kapansanan, ipinadama mo sa akin ang iyong pagpapahalaga at pagmamahal sa "Araw ng mga Puso"... TEACHER MARIEL LOVES YOU MORE!

(Si ANGELA po ay isang 'SPECIAL CHILD')...

Monday, August 12, 2013

SI TITSER ANG DAPAT SISIHIN?


Ang hirap talaga ng kalagayan ng isang guro. Maghapon siyang pagod sa pagtuturo at pagsaway sa mga mag-aaral dahil sa kanilang mga 'negative behavior' subali’t kadalasan ay negatibo pa rin ang nagiging reaksiyon ng ilang mga magulang. Walang reklamo ang guro sa anumang hirap na dinaranas sa araw-araw dahil ito ay kasama sa sinumpaaan niyang tungkulin. Nguni’t ang sisihin ang guro sa mga bagay na wala naman siyang kinalaman, ito ang mas higit na nagpapahirap sa kanyang kalooban. Ang pagod ng katawan ay naipapahinga ngunit ang sakit ng kalooban ay hindi natatawaran.

Isang Biyernes, MSEP subject ng mga bata na mayroong ‘special needs’. Naglalaro sila kasama ng kanilang guro. Natural na nagpapawis sila dahil sa katatakbo at paglalaro ng bola, hula hoop, atbp. Dahil ang isang bata ay mukhang sobrang ‘hyper’ na, siya ay pinatitigil ng kanyang guro sa paglalaro. Ngunit sa halip na sumunod sa sinabi ng guro, ito ay tumakbong palayo. Hinabol ito ng guro at kinukuha ang bola sa kanya subali’t ayaw nitong ibigay. Sapilitang kinuha ng guro sa kanya ang bola at bilang parusa sa kanyang pagiging ‘disobedient’, siya ay pinatayo ng ilang minuto lamang. Ang dapat sana ay ‘face off the wall’ kaso mas ayaw ng bata ang gayon kaya ‘pagtayo’ na lamang ang parang ‘consequence’ (na mas mainam pakinggan kaysa sa salitang punishment) ang ibinigay sa kanya ng kanyang guro dahil sa kanyang pagpapakita ng hindi pagsunod. Matapos ang ilang minuto ay pumasok na sila sa silid-aralan kasama ng kanilang mga ‘fetcher’. Pinapalitan ang mga damit nila bago kumain ng kanilang ‘snack’ dahil nga sa nagpawis sila sa paglalaro sa covered court.

Makalipas ang 30 minuto ay pinauwi na rin sila. Nadaanan pa ng guro ang mag-aaral (na ‘pinatayo’ niya habang nagpi-PE sila) sa covered court na naglalaro kasama ng ‘fetcher’ nito, sabay tanong sa kanila na; “Hindi pa ba kayo uuwi?” “Hindi pa po dahil naglalaro pa kami’, sagot ng ‘fetcher’. At iniwanan na sila ng guro. 

Sabado ng umaga, nakatanggap ng text ang guro at ganito ang tanong, “Ilang oras nyo po ba pinatayo si Boy kahapon? May sakit po kasi siya mukhang napagod at natuyuan ng pawis.” Ang napuna ng guro ay ‘ORAS’ ang ginamit na termino ng guardian sa kanyang text message. At sa tema ay tila sinisisi ng guardian ang guro sa pagkakasakit ng bata. Marahil ay mali ang sumbong ng ‘fetcher’ sa kanila.

Lunes ng umaga, napag-alaman ng guro na matagal pa palang nananatili ang bata at kanyang ‘fetcher’ sa paaralan at aliw na aliw sa paglalaro sa covered court. Sana, sinabi ng ‘fetcher’ na naglaro pa sila ng sagad sa hapon kahit tapos na ang PE o klase ng mga bata. Baka iyon ang dahilan ng pagkapagod at pagkatuyo ng pawis ng bata sanhi ng kanyang pagkakasakit. Bakit parang ang guro ang sinisisi ng mga magulang? 

Bilang isang ‘sped teacher’, kailangang ang guro ay malambing sa kanyang mga estudyante na mayroong ‘special needs’. Kailangang ipadama sa kanila na sila ay mahal at importante at lalong higit sa lahat ay maramdaman nila na sila ay kasama natin sa mundong ito na ating ginagalawan sa kabila ng kanilang mga kapansanan. Subali’t ang mga batang ito kung minsan ay may mga ‘manipulative behavior’. Sa ganitong pagkakataon, ang guro ay kailangang ‘firm’ at medyo mataas ang boses upang ipakita sa bata ang kanyang ‘superiority’ upang ang bata ay sumunod sa kanya. Ngunit hindi ibig sabihin nito na sinisigawan ang bata. Kadalasan ay ito ang nagiging pananaw ng ilan. Kumbaga ay nami ‘misinterpret’ ang pagdisiplina na ginagawa ng guro sa bata na mayroong 'special needs’.

Hindi biro ang maging ‘sped teacher’. Maraming hirap ang dinaranas nito gayunpaman ay hindi nawawala ang kanyang dedikasyon sa kanyang tungkulin bilang guro. Pagmamahal, awa at mahabang pasensiya ang kailangan nitong dala-dala sa araw-araw upang maging mas magaan ang pag-handle sa mga bata na may iba’t-ibang klaseng disabilities at ‘behavioral problems’.

Bakit ang guro ang kailangang sisihin sa pagkakasakit ng kanilang mga anak? Ang guro na walang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang mga estudyante? Ginagawa lamang nito ang marapat at hindi intensiyon na masaktan o magkasakit ang kanyang mga estudyante.

Sa mga magulang o guardian, sana po ay maging malawak ang ating pang-unawa. Huwag po nating isisi sa iba ang mga bagay na wala naman silang kinalaman.


Photos: Courtesy of www.cartoonclipart.com