Ang
hirap talaga ng kalagayan ng isang guro. Maghapon siyang pagod sa pagtuturo at
pagsaway sa mga mag-aaral dahil sa kanilang mga 'negative behavior' subali’t kadalasan ay negatibo pa rin ang
nagiging reaksiyon ng ilang mga magulang. Walang reklamo ang guro sa anumang
hirap na dinaranas sa araw-araw dahil ito ay kasama sa sinumpaaan niyang
tungkulin. Nguni’t ang sisihin ang guro sa mga bagay na wala naman siyang
kinalaman, ito ang mas higit na nagpapahirap sa kanyang kalooban. Ang pagod ng
katawan ay naipapahinga ngunit ang sakit ng kalooban ay hindi natatawaran.
Isang
Biyernes, MSEP subject ng mga bata na mayroong ‘special needs’. Naglalaro sila kasama
ng kanilang guro. Natural na nagpapawis sila dahil sa katatakbo at paglalaro ng
bola, hula hoop, atbp. Dahil ang isang bata ay mukhang sobrang ‘hyper’ na, siya ay pinatitigil ng
kanyang guro sa paglalaro. Ngunit sa halip na sumunod sa sinabi ng guro, ito ay
tumakbong palayo. Hinabol ito ng guro at kinukuha ang bola sa kanya subali’t
ayaw nitong ibigay. Sapilitang kinuha ng guro sa kanya ang bola at bilang
parusa sa kanyang pagiging ‘disobedient’,
siya ay pinatayo ng ilang minuto lamang. Ang dapat sana ay ‘face off the wall’ kaso mas ayaw ng bata ang gayon kaya ‘pagtayo’
na lamang ang parang ‘consequence’ (na
mas mainam pakinggan kaysa sa salitang punishment)
ang ibinigay sa kanya ng kanyang guro dahil sa kanyang pagpapakita ng hindi
pagsunod. Matapos ang ilang minuto ay pumasok na sila sa silid-aralan kasama ng
kanilang mga ‘fetcher’. Pinapalitan
ang mga damit nila bago kumain ng kanilang ‘snack’
dahil nga sa nagpawis sila sa paglalaro sa covered
court.
Makalipas
ang 30 minuto ay pinauwi na rin sila. Nadaanan pa ng guro ang mag-aaral
(na ‘pinatayo’ niya habang nagpi-PE sila) sa covered court na naglalaro kasama ng ‘fetcher’ nito, sabay tanong sa kanila na; “Hindi pa ba kayo uuwi?”
“Hindi pa po dahil naglalaro pa kami’, sagot ng ‘fetcher’. At iniwanan na sila ng guro.
Sabado
ng umaga, nakatanggap ng text ang guro at ganito ang tanong, “Ilang oras nyo po
ba pinatayo si Boy kahapon? May sakit po kasi siya mukhang napagod at natuyuan
ng pawis.” Ang napuna ng guro ay ‘ORAS’ ang ginamit na termino ng guardian sa kanyang text message. At sa tema ay tila sinisisi ng guardian ang guro sa pagkakasakit ng bata. Marahil ay mali ang sumbong ng
‘fetcher’ sa kanila.
Lunes
ng umaga, napag-alaman ng guro na matagal pa palang nananatili ang bata at
kanyang ‘fetcher’ sa paaralan at aliw
na aliw sa paglalaro sa covered court.
Sana, sinabi ng ‘fetcher’ na naglaro
pa sila ng sagad sa hapon kahit tapos na ang PE o klase ng mga bata. Baka iyon
ang dahilan ng pagkapagod at pagkatuyo ng pawis ng bata sanhi ng kanyang
pagkakasakit. Bakit parang ang guro ang sinisisi ng mga magulang?
Bilang
isang ‘sped teacher’, kailangang ang
guro ay malambing sa kanyang mga estudyante na mayroong ‘special needs’. Kailangang ipadama sa kanila na sila ay mahal at
importante at lalong higit sa lahat ay maramdaman nila na sila ay kasama natin
sa mundong ito na ating ginagalawan sa kabila ng kanilang mga kapansanan. Subali’t
ang mga batang ito kung minsan ay may mga ‘manipulative
behavior’. Sa ganitong pagkakataon, ang guro ay kailangang ‘firm’ at medyo mataas ang boses upang
ipakita sa bata ang kanyang ‘superiority’
upang ang bata ay sumunod sa kanya. Ngunit hindi ibig sabihin nito na
sinisigawan ang bata. Kadalasan ay ito ang nagiging pananaw ng ilan. Kumbaga ay
nami ‘misinterpret’ ang pagdisiplina na ginagawa ng guro sa bata na mayroong 'special needs’.
Hindi
biro ang maging ‘sped teacher’.
Maraming hirap ang dinaranas nito gayunpaman ay hindi nawawala ang kanyang
dedikasyon sa kanyang tungkulin bilang guro. Pagmamahal, awa at mahabang
pasensiya ang kailangan nitong dala-dala sa araw-araw upang maging mas magaan
ang pag-handle sa mga bata na may
iba’t-ibang klaseng disabilities at ‘behavioral problems’.
Bakit
ang guro ang kailangang sisihin sa pagkakasakit ng kanilang mga anak? Ang guro
na walang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang mga estudyante? Ginagawa lamang
nito ang marapat at hindi intensiyon na masaktan o magkasakit ang kanyang mga
estudyante.
Sa mga magulang o guardian, sana po ay maging malawak ang ating pang-unawa. Huwag po nating isisi sa iba
ang mga bagay na wala naman silang kinalaman.
Photos: Courtesy of www.cartoonclipart.com
No comments:
Post a Comment