Pagdating ko sa bahay, dinatnan ko ang aming anak na si Yam na nasa harap ng desktop at nagba-browse ng mga paborito niyang video clips. Medyo mainit kaya sabi ko, "Anak, why you didn't turn on the aircon, the room temperature is hot." He didn't respond but he turned on the aircon then back to the front of our computer.
Me: What's the matter with you? Why did you do that to me?" (tanong ko sa kanya in a loud voice and I really wasn't able to hold my temper at napaiyak na akong tuluyan dahil nakita ko ang galit sa mukha nya at tila gustong lumaban sa akin. Noong makita niya na tumutulo ang luha ko... Eto ang lalong nagpaiyak sa akin...
Yam: (Humahagulgol ng iyak na nakayakap sa akin, naghalo na ang laway at luha niya sa balikat ko) I'm sorry, Mommy... I didn't mean to hurt you. Nasaktan kasi ako kasi narinig ko yun song na pinapakinggan mo.
Me: Bakit ka naman nasaktan eh music lang yun?!!!
Yam: Because we always sing that song there in Sped at New Era before but now dito na lang ako palagi sa bahay. Nasaktan ako Mommy! Nasaktan ako, Mommy! Nasaktan ako, Mommy!
Me: So, is that the reason why you threw to me those things? Sabay turo ko sa mga accessories na nakasabog sa sahig.)
Yam: I'm sorry, Mommy... I love you Mommy... Huwag kang magagalit sa akin, kawawa ako. Kawawa naman ako.
Me: Hindi ka kawawa, ginagawa mong kawawa ang sarili mo.
Yam: Kawawa ako kasi hindi ako nag- aaral. Dito lang ako,palagi sa bahay. I don't want to stay in the house everyday. I want to go to school!
Me: Di ba, you went to school (ACSAT), but your modular lesson has been finished already? Di ba, I told you that this coming school year, kung wala pa ring Tertiary Curriculum for Sped at New Era, we will enrol you at Saint Joseph's College or PUP?
Yam: Matagal pa yun, I like to go to school very soon! Kung pwede, bukas, Mommy please?!!! ( almost shouted)
Me: Hindi naman ganun kadali yun eh. Patapos na ang second semester, hindi ka na pwedeng mag enrol. Di ba we are planning to let you go back to ACSAT on the second week of this month? You just wait.
Yam: Ayoko dito sa bahay, ayoko na katulong ang kasama ko! Gusto ko classmates ko. I am not mad at you, Mommy! Galit ako kasi nasasaktan ako kasi ganito ako bata. Bakit kasi ako Sped Mommy?
Parang dinudurog ang puso ko... Gusto kong magpalahaw ng iyak dahil mas higit kong nararamdaman ang damdamin ng anak ko. Nauunawaan ko na kung bakit nagkaroon siya ng ganun behavior dahil sa hindi niya mai express ang gusto niya at maaaring sinasarili sa araw-araw ang lungkot at eagerness na makabalik sa school.
At ang pag-iisip niya na siya ay 'special child' kaya marahil naaawa sa kanyang sarili. Siguro hindi lang niya maipaliwanag na kung hindi lamang sana siya sped ay baka masaya siya na kasama ang kanyang mga kaklase sa paaralan...
Ito marahil ang mga naging dahilan nang biglaan niyang pagta tantrums:
1. Nag-iisa siya sa bedroom at kaharap lang ang computer, TV at Xbox sa araw-araw.
2. Pagdating ko, gagawa na agad ako ng mga trabaho para sa school na pinagta trabahuhan ko at hindi na kami masyadong makapag bonding. Ganun din ang asawa ko, pagdating sa gabi.
3. Naaawa sa sarili dahil pakiramdam niya, siya ay nakakulong na lamang sa bahay lalo na kapag nakatatanaw ng mga school service sa balcony ng aming bahay.
4. Lalo pang nag-umigting ang kanyang pagkabagot at awa sa sarili noong marinig niya ang pinapakinggan kong "The Wind Beneath My Wings." Marahil ay nag flashback sa utak niya noong mga panahon na nasa New Era University pa siya.
Sobrang awa ko talaga sa anak ko... Sana ipinasok na lamang namin siya sa ibang school at hindi na kami naghintay pa college curriculum for Sped ng NEU... Inakala kasi namin na mabubuksan o maaapprove iyun noong second semester pero hindi pa rin.
Labing-dalawang taon sa NEU ang anak namin... Sanay na pumapasok sa eskuwelahan araw-araw. Pero dahil nakatapos na siya ng high school bigla nagbago ang mundo na kanyang iniikutan sa loob ng napakahabang panahon para sa kanya.
Sa ngayon ay kalamante na siya pero hindi ko alam kung malalim na ang sugat sa puso ng anak ko. Kasi kung dadamhin ko mukhang napakalalim na nga dahil ramdam ko ang sakit nito para sa kanya dahil ako ang kanyang ina. Karugtong ng buhay ko ang buhay niya.
Naramdaman ko na sa kabila ng kanyang pagta tantrums, kita at dama ko pa rin ang likas na pagiging mabait ni Yam... Yun tunay na pagmamahal niya sa amin na kanyang mga magulang lalo na sa akin dahil marahil dinala komsiya ng siyam na buwan sa aking sinapupunan.
Kung maaari lang ayaw ko nang maulit ito... Hindi ko na hahayaan na magkatoon nang lihim na dalahin sa dibdib ang anak ko. Lahat naman ng makabubuti para sa kanya ay lagi naming iniisip. Siya ang lagi naming prayoridad. Subalit nagkulang pa rin pala kami...
Para kay Yam, "I'm so sorry, anak." Next time, hindi na kita pababayaang magdamdam. We will do our best para maibigay ang lahat para sa iyo kesehodang magdildil tayo ng asin, anak.
Always bear in mind that your Dad and I love you so much.
No comments:
Post a Comment