Tuesday, November 11, 2014

THOSE DAYS ARE GONE




There's a pinch of pain in my heart while viewing my child's pictures when he's still studying at New Era University...



Those days are gone... 


Yesterday, he told me that he doesn't want to go back to Subic because he would just remember when he went there and spent precious times with his classmates and teachers. I looked at him and I felt exactly what he feels that very moment...


How I wish that the college curriculum for sped would be approved soon by the university officials... My son wishes to go back to NEU to study. He waits so patiently...

 
Please have a big heart!


Saturday, April 5, 2014

LUNGKOT, PAG-AALALA AT PAGTITIWALA




Sobrang nakaramdam ako ng pagkalungkot ngayon... Mabuti pa hindi ko na lang tinanggal lahat ng laman ng backpack ni Yam upang iligpit na sana dahil hindi na gagamitin ang mga ito... Tila pamamaalam na rin sa kanyang elementary and high school days na naging malaking bahagi ng buhay naming lahat lalo na ng aming anak. Bagama't papasok pa naman siya sa kolehiyo bilang panibagong yugto ng kanyang buhay, iba pa rin ang 'tender years' na nagdaan. Bumabalik sa aking alaala noong grader pa siya.



Nag-resign ako sa trabaho noo at nag full time ako sa kanya para lamang masubaybayan ko siya. Ang asawa ko ay nag-aabsent sa office para lamang mag attend ng mga activities ni Yam sa school. Maraming hirap at pagtitiis ngunit marami rin namang kasiyahan at kagalakan na kaakibat na talagang hindi ko na makakalimutan kailanman. Ayoko nang isipin… Tapos na ang labing-dalawang taong singkad.




Ngayon ay tinitingnan ko ang aking anak sa kanyang pagkakahiga sa kama… Naisip ko lang, ano kayang kapalaran ang naghihintay sa kanya? Panibagong pakikipagbaka sa kolehiyo na harinawang maging matagumpay na matapos niya ito. Ang mas higit ko lang ikinababahala ay ano kaya ang kanyang magiging buhay pagkatapos ng kolehiyo?


Alam kong hindi niya kayang sumabay sa agos ng buhay na mag-isa. Naisip ko, sana naging batang musmos na lamang ang aming anak habang buhay at nang sa gayon ang kanyang mundo ay umiikot na sa mga payak na bagay lamang. Ngunit anuman ang mangyari, hinding-hindi naming siya pababayaang mag-isa. Kung kailangang pati kami ay gumamit ng ‘sagwan’ o ‘boat paddle’ upang makasunod lamang siya sa agos ng buhay sa mundong ito ay aming gagawin. 


May Diyos na nakaagapay sa kanya at naniniwala ako na may nakalaang magandang bukas ang Ama para sa aming pinakamamahal na si Yam.


Friday, March 21, 2014

A CONVERSATION BETWEEN MOM & YAM



Ito ang naging usapan namin ni Yam noong isang gabi pagkatapos ng kanyang 'night prayer'...

MOM: Oh Yam. you are graduating na from high school ah... Which would you like to take up in college, Information Technology (IT) or Photography?

YAM: Eh, I would like to take up IT but I can't...

MOM: Why you can't?

YAM: Because I think, I am not capable enough to work in the office just like other people... Baka they will not accept me... Baka my boss will always get mad at me...

MOM: Awww... don't say that ah. Kasi you are intelligent and I believe in your ability. (Sinikap kong i-motivate siya dahil parang napapansin ko lumulungkot ang boses niya).

YAM: Yes, I'm intelligent but I am 'Sped'... Bakit kasi ako naging 'Sped', gusto kong magpaka normal kaya lang I was born special...

MOM: Oh eh you should be glad kasi 'special' ka, sila eh hindi. In the sight of GOD you are so special and it is not because you are 'Sped' ('Sped' is the term he usually used for 'special child') kasi you are a God fearing person... A very loving and an obedient child... Kaya nga your dad and I are very lucky to have you, anak.

YAM: Okay... Baka I'll take up na lang 'Photography' so that I can always take a picture of God's creations especially the SKY. Because beyond the SKY is HEAVEN. I might capture GOD's FACE up there. Do you think, I can capture GOD's FACE in the SKY?

I paused for a while... Para akong maiiyak! Sa napaka-inosenteng pag-iisip ng anak ko, naiisip pa niya ang ganitong mga bagay...

MOM: Ay, s'yempre ah because God is everywhere. Whenever and wherever you take a shot, you'll see God lalo na He is always with you because He loves you, don't you know that?

YAM: Yes, I know! I will take up 'Photography' na lang kasi GOD WILL BE MY OFFICEMATE.

MOM: Yes, He will be your officemate and boss as well. So nobody will get mad at you.

Dumaloy nang tuluyan ang luha sa aking pisngi. Dahil sa kabila ng 'kalagayan' ng anak ko... Pagtitiwala at pagsandal sa Diyos ang nasa kanyang puso. Lubos akong nagagalak dahil nagbunga ang aming pagtatanim at pagmumulat sa kanya noong siya ay maliit pa lamang na bata tungkol sa pag-ibig ng Diyos at ang magkaroon ng pananampalataya, takot at pagsunod sa Dakilang Lumikha.

Kahit 'special child' si Yam, mas nakahihigit pa siya sa ibang mga bata dahil bukod sa siya ay matalino at mabait, siya rin ay masunurin at mapagmahal sa kanyang mga magulang at kapwa. At higit sa lahat ay may pananampalataya at pag-ibig sa Panginoong Diyos.

We are so proud of you, Yam. We love you so much and we are very sure that God loves you more!

Friday, February 14, 2014

LOVING AND SWEET ANGELA



EKSENA SA SCHOOL GATE KANINANG UMAGA:

PUPIL: Teacher Mariel! Teacher Mariel! (Sumisigaw habang patakbong sumasalubong sa guro na pumapasok sa gate...)

TEACHER: O, Angela, anak baka madapa ka! (sabay yapos ng bata sa titser bago iaabot ang dalang hugis pusong 'stuff' na regalo nya para rito)...

TEACHER: Ano ito, anak?

PUPIL: I LOVE YOU, TEACHER MARIEL! (Marahil ay hindi niya masabi ang Happy Valentine's Day)...

TEACHER: Aw, I love you too, Angela!

Araw-araw tuwing umAga, ang batang si Angela ay walang ginawa kundi ang salubungin ako sa gate ng paaralan upang yumakap sa akin pagkatapos ay tatakbo nang palayo upang ipagpatuloy ang kanyang paglalaro...

Subali't kaninang umaga ay may nadagdag sa usual na 'scenario' naming dalawa. Yun bang dobleng kasayahan nya kanina upang iabot lamang sa akin ang kanyang munting regalo. At higit sa lahat ay ang sabihin nya ang tatlong katagang nagpapaikot sa buong mundo, ang salitang I LOVE YOU.

Maraming salamat, Angela! Sa kabila ng iyong kapansanan, ipinadama mo sa akin ang iyong pagpapahalaga at pagmamahal sa "Araw ng mga Puso"... TEACHER MARIEL LOVES YOU MORE!

(Si ANGELA po ay isang 'SPECIAL CHILD')...